Powered by Blogger.

Tuesday, September 20, 2011

Pagkadapa Ng Dahil Sa Pag-Ibig

It's been four months since the break up and I cant move to all the things that happened. Loosing someone is really not easy... I've been finding ways to cope up with my life. Every single day, my life becomes difficult. I dont know where to go to, where to stand, how to start my life without him. I've been drinking ever since the break up. And yet nothing happened.

It is so difficult for me to accept all of this!!! All my plans was ruined... Ang hirap pala talaga ng buhay lalo na kung hindi mo ineexpect ang mga mangyayari.

Lahat ng pananaw ko sa buhay ngayon ay nag-iba na. Hindi ko na alam ang tama sa mali at ang mali sa tama. Hindi na ako yuong dating Janus Paul Dela Cruz. Yuong masayahin, may direksyon ang buhay. Sa bawat araw na dumadaan, nalululong ako sa kasawian... Sa kawalan ng pag-asa... Ngumingiti dahil kailangan... Kumakain dahil kailangan... Sa daming tanong sa buhay ko, sa daming gumugulo sa isip ko, hindi ko na alam kung san magsisimula.

Nangako siya na hindi niya ako iiwan... Na ako na ang huling tao sa buhay niya... Na ako na yung gusto nya makasama... Nasabi ko din ito dati sa isang tao na minahal ko ng matagal na panahon pero iniwan ko din sya... Ganto ba talaga? Ito na ba ang tinatawag nilang KARMA? Hindi ko na maintindihan ang buhay!!! Hilong hilo na ako! Hirap na hirap na! Gusto ko nang sumuko! Malapit na ako bumigay... Pinipilit ko nalang kumapit... Pero saan ba ako kumakapit? Kanino? Wala... Ni hindi ko na nga makita o maramdaman man lang na may purpose pa ang buhay ko.
Read More